BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS

Wednesday, March 9, 2011

Remember me this way

Ang kantang ito ay aking naging sandigan upang maging mapanatili ang samahan naming mag-bestfriend. Sa tuwing pinakikinggan ko ang kantang ito ay naaalala ko bawat sandaling kami ay magkasama mula elementarya hanggang sa high school. Siya lamang ang natatangi at nag-iisa kong bestfriend magpasa-hanggang ngayon. At kahit na wala kaming kontak sa isat-isa sa ngayon, dahil narin siguro sa pagbibihasa ng aming mga sarili sa kinukuhang kurso o dala narin siguro ng pagka-pagod, dahil siya ay isang nurse at ako naman ay isang guro ang kinukuha sa kolehiyo. Pero kahit na ganoon iniintindi ko narin, sapagkat naniniwala akong kung tunay ko talaga siyang bestfriend ay hindi niya ako makakalimutan kahit kaylan, na kahit na wala kaming koneksiyon sa isat-isa ako pari'y bestfriend niya. Dahil para sa akin ang bestfriend ay bestfriend at nag-iisa lamang iyon,,

0 comments: