BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS

Wednesday, March 9, 2011

Mama by Il Divo

Ang buhay sa mundo ay sadyang napaikli, kung kaya kailanganan nating sulitin bawat oras at panahong nagdadaan sa ating buhay. Nagsimula ang lahat ng iparinig sa aming klase ng aming guro sa English ang kantang ito. Habang pinakikinggan ko ang kantang ito ay nais kong mapaluha. Kaya kung maibabalik ko lamang ang panahong lagi ko siyang kasama ay gagawin ko.Dahil siya ang nag-iisang babae sa aking buhay na hindi ko ipagpapalit kaninuman at siyang mamahalin ko habang buhay. Sapagkat ang kantang ito ay tungkol sa ating mga ina sa buhay. Inang nag-aruga at gumagabay sa atin saan mang landas ang ating tahakin. Siya ang nag-iisang tao na nakakaunawa sa mga bawat sandaling tayo ay nakararamdam ng kalungkutan sa ating buhay.
Kung kaya nais kong iparamdam sa kanya sa bawat sandali ang lubos kong pasasalamat at pagmamahal para sa kanya. Para sa huli ay hindi ako magsisisi kung kailan ay wala na siya sa ibabaw ng mundo. Dahil para sa akin siya ang nag-iisang tanglaw ng aking buhay na sa bawat sandali ay siyang aking laging karamay.

0 comments: